Ang remittance ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) sa Bureau of Treasury (BTr) ay sumusuporta sa mga pagsisikap ng gobyerno upang pasiglahin ang ekonomiya sa pamamagitan ng kontribusyon nito sa pagpopondo ng mga priority project ng national government.
Magpapasigla ng mas maraming aktibidad pang-ekonomiya ang mga proyektong ito na ininaasahang magdudulot ng mas mataas na deposito sa mga bangko at paglago ng mga institusyong pinansyal upang makapagbigay ng mas maraming produkto at serbisyong pinansyal sa mga Pilipino sa buong bansa.
Nag-remit ang PDIC ng P107.23 bilyon bilang pagsunod sa mandanto ng Kongreso sa ilalim ng General Appropriations Act of 2024 at alinsunod sa Opinyon na ibinigay ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).
“We assure the public that after the remittance, the Deposit Insurance Fund (DIF) of the PDIC remains adequate to cover risks in the banking system and that the PDIC is still capable of delivering its services effectively, in case of insurance calls,” ayon kay PDIC President Roberto B. Tan.
“The DIF continues to be maintained within the target level set by its Board of Directors based on international best practices,” dagdag niya.
Malaki ang naitulong ng remmitance sa pagpopondo ng mga pangunahing imprastruktura at mga programang panlipunan, tulad ng pagpapanatili, pagkukumpuni, at rehabilitasyon ng mga pangunahing pasilidad ng imprastruktura; ang Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances/Assistance to Individuals in Crisis Situations; ang Philippine Food Stamp Program; at iba’t ibang proyekto upang paunlarin ang mga proyekto ng gobyerno na may kaugnayan sa kalamidad; at mga pagsisikap sa elektripikasyon sa kanayunan sa pamamagitan ng Financial Subsidy for the Purchase of Photovoltaic Mainstreaming (Solar Home System).
Bukod dito, ang mga pondo ay sumuporta sa counterpart financing para sa mga proyektong pinondohan ng ibang bansa, kabilang ang Panay-Guimaras-Negros Island Bridges; ang Metro Manila Subway Project; ang Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project; ang Mindanao Inclusive Agriculture Development Project; ang Cebu-Mactan Bridge and Coastal Road Construction Project; ang North-South Commuter Railway System; ang Support to Parcelization of Lands for Individual Titling Project; ang Teacher Effectiveness and Competencies Enhancement Project; at ang Philippine Fisheries and Coastal Resiliency Project, at iba pa.
Ang mga proyektong ito ay inaasahang magpapasigla sa paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho, pagpapataas ng kita, at pagbabawas ng kahirapan, na lumikha ng positibong multiplier para sa lipunan.
More Stories
VIETNAMESE NA NAGPAPANGGAP NA BEAUTY DOCTOR KALABOSO
Nilinaw ng DOF ang pagtukoy sa bahagi ng National Tax Allotment para sa LGUs
Faith in Action: A Christmas of Compassion and Giving