Ang labis na pagdidisiplina sa isang bata ay maituturing na child abuse kapag mayroong malinaw na layuning sirain ang dignidad ng isang bata.
Hinatulang guilty ng Korte Suprema ang isang ama ng child abuse o paglabag ng RA No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act matapos isailalim sa marahas at labis na disiplina ang kanyang 12-anyos na anak na babae at 10-anyos na anak na lalaki.
Mula 2017 hanggang 2018, binugbog ng ama ang kanyang mga anak — sinipa, hinila ang buhok, hinampas ng kahoy na pamalo at dustpan, at pinagmumura.
Sa ilalim ng Section 3(b) ng RA No. 7610, ang anumang pagkilos na nagpapababa sa dignidad ng isang bata ay itinuturing na child abuse.
Ayon sa Korte, malinaw na lumabag sa makatwirang pagdisiplina ang ginawa ng ama, na nagpapakita ng isang malinaw na layunin na sirain ang dignidad ng mga bata.
Dahil dito, hinatulan ang ama ng apat hanggang anim na taon na pagkakakulong at multang P45,000. Inutusan din siya na bayaran ang bata ng P180,000 para sa pinsala.
Bagama’t may karapatan ang mga magulang na disiplinahin ang kanilang mga anak, paalala ng Korte, ang mga naturang hakbang ay hindi dapat maging marahas, sobra-sobra, o higit pa sa maling nagawa.
Ang Desisyon ay mula sa Second Division ng Korte Suprema na isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez.
More Stories
Sherwin Tiu idedepensa ang titulo sa Pozzorubio Rapid Chess tilt
NAVOTAS, PINARANGALAN ANG FISHING HERITAGE SA ARAW NG MANGINGISDA
MAIN ARRIVAL CURBSIDE SA NAIA 1 BINUKSAN SA PUBLIKO