Bilang pagsisikap na suportahan ang ground operations nito, mapabuti ang kaginahawaan ng mga pasahero at maityak ang ligtas at mablis ang daloy ng trapiko sa paliparan, isang bagong fleet ng mga sasakyan ang ipinakilala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ang napag-alamanan mula sa operator ng paliparan, ang presidente ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) na si Ramon S. Ang, na nagsabi na ang mga bagong karagdagan ay kinabibilangan ng dalawang bagong ambulansya na may mga advanced na kagamitang medikal at pinamamahalaan ng mga sinanay na paramedik upang magbigay ng mabilis na tulong medikal kapag kinakailangan.
Ayon pa kay Ang, nagdadag din ng tatlong “follow-me” vehicles upang gabayan ang mga eroplano sa kanilang designated parking positions ng mas maayos, na tumutulong upang i-minimize ang taxi times at makapag-aambag sa mas maayos na operasyon.
Naglunsad din ng apat na internal coasters upang pangasiwaan ang seamless airside transfers, na magbibigay sa mga pasahero ng mas komportable at mas mahusay na paraan upang mapadali ang paglipat sa pagitan ng mga terminal, partikular sa mga may connecting flights o mobility challeges.
“These vehicles are essential to support efficient operations and improve the overall passenger experience at NAIA. They complement NAIA’s existing fleet and reflect our commitment to providing a seamless and reliable airport experience,” ayon kay Ang.
Samantala, ipinaliwanag ni NNIC general manager Lito Alvarez, na ang pag-deploy ng mga baong sasakyan ay tugon sa paglaki ng bilang ng mga pasahero sa NAIA.
“For the whole of 2024, NAIA welcomed a record-breaking 50.1 million passengers—a 10.43% increase from 2023. Having additional vehicles ensures smooth operations during peak periods, maintenance schedules, and emergencies. It also allows NAIA to maintain high service standards while prioritizing passenger safety and comfort. This initiative is part of NNIC’s broader efforts to modernize NAIA and deliver world-class service,” dagdag niya. (ARSENIO TAN)
More Stories
Sherwin Tiu idedepensa ang titulo sa Pozzorubio Rapid Chess tilt
NAVOTAS, PINARANGALAN ANG FISHING HERITAGE SA ARAW NG MANGINGISDA
LABIS NA PAGDIDISPLINA SA BATA PASOK SA CHILD ABUSE