January 10, 2025

4 patay sa pamamaril sa Batangas

APAT ang naitalang nasawi sa nangyaring magkakahiwalay na pamamaril nitong araw ng Martes at Miyerkules January 7-8, 2025 sa bayan ng Agoncilio, Padre Garcia at Rosario sa lalawigan ng Batangas.

Pinagbabaril ng mga grupo ng kalalakihan ang negosyanteng si Eugene Petil,residente ng Pili Camarines Sur, at ang tauhan nito na si James Clerck Asuncion, 20 taon gulang residente ng Villa Nati Munoz, Nueva Ecija pasado alas kuwatro ng hapon nuon araw ng martes sa isang kubo sa Barangay Banyaga ng Agoncilio

Arestado naman sa ginawang manhunt at follow up operations ang tatlong suspek na mga kasabwat ng hindi pa pinangalanang mastermind sa nangyaring pamamaslang na sina 1. Alyas “Jojo”, 2. Alyas “Gemo” at si 3. Alyas “Jay”, mga nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa report ni Agoncilio Chief of Police Major Broderick Barrantes Noprada kay Calabarzon PRO4A Regional Director Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, lumalabas na may malaking utang ang mastermind sa negosyanteng si Eugene na nagtungo sa lugar para singilin ang suspek subalit imbes na magbayad ay ipinapatay ito sa kanyang mga kasabwat.

Natagpuan sa lugar malapit sa crime scene ang ginamit na sasakyan ng mga biktima na Toyota Hilux na kulay puti at may plakang NDQ1809, isang cellular phone at isang basyo ng bala.

Samantala nasawi din sa Barangay Puting Kahoy sa bayan ng Rosario ang biktima na si Isagani Capilla,54 taon gulang ng paulanan ng bala ng ng kanyang nakaalitang pinsan na si Loreto Capilla, 51 anyos, agad na tumakas ang ang suspek dala ang caliber 9mm na ginamit sa krimen. Patay din sa Barangay Poblacion sa bayan ng Padre Garcia 6:30 ng umaga araw ng Miyerkules  ang biktimang si Gigi Lolong, 48 anyos, makaraang lapitan at barilin ng isang salarin na nakasuot ng bonnet at jacket gamit ang di pa tukoy na kalibre ng baril at mabilis na tumakas ang salarin na sumakay sa isang yamaha mio motorcycle patugo sa dipa tukoy na direksyon.(KOI HIPOLITO)