Pinahayag ng FIBA na sureball na ang Japan at Pilipinas bilang co-hosts sa 2023 FIBA World Cup. Kinumpirma ito ng FIBA sa idinaos na executive meeting kamakalawa.
Ayon pa sa FIBA, kapwa sumali ang 2 bansa sa idinaos na quadrennial event bilang mga hosts. Kaya naman, seeded na Pilipinas at Japan bilang direct qualifiers.
Kung matatandaan, huling naghost ang bansa sa FIBA World Cup noong 1978. Ang Japan naman ay huling naghost noong 2006.
Samantala, ang Indonesia naman, na sana’y so-cost ng 2 bansa ay hindi pa opisyal na host. Kailangang sumali ito sa 2021 FIBA Asia Cup upang maging kuwalipikado. Hindi pa kasi sumasali ang Indonesia sa World Cup.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!