MAS pinalakas ni Pasig City Chief of Police Col. Hendrix C. Mangaldan, ang ugnayan ng media at pulisya sa isinagawang ‘Meet and Greet’ na idinaos ngayong araw, Disyembre 3, sa PNP Headquarters sa Pasig City.
Dumalo sa nasabing aktibidad sina Deputy EPD District Director Sr. Supt. Celerino Sacro Jr., PIO Chief Capt. Jean Aguada at ang mga sub-stations commander ng lungsod at ang mga opisyales at miyembro ng PaMaMarisan-Rizal Press Corps sa pangunguna ni President Neil Alcober na nagkaisa sa kanilang misyon na palakasin ang ugnayan ng komunidad at transparency.
Ayon kay Mangaldan, sa loob ng kanyang tatlong buwan sa puwesto bilang hepe ng PNP Pasig City, personal niyang nasaksihan ang pagiging aktibo ng media sa pagpapakalat ng tamang impormasyon mula sa Pasig PNP.
Ang media ay nagbibigay ng balita at update tungkol sa mga kaganapan sa lungsod, tulad ng mga operasyon ng pulisya, mga krimen, at mga aksidente at nagbibigay din ng mga abiso at paalala sa publiko, tulad ng mga pagbabantay sa trapiko at mga pag-iingat sa kaligtasan.
Ibinahagi rin nito ang mga naging accomplishment ng kapulisan sa naturang lungsod.
Dagdag pa niya, nakahanda na rin ang Pasig City Police na magbigay ng seguridad para sa mapayapang eleksyon sa lungsod sa Mayo 12, 2025.
Pinasalamatan naman ni Sacro si Mangaldan dahil sa patuloy na pagkilala nito sa mahalagang papel ng media sa pagpapakalat ng tumpak at reliableng impormasyon sa publiko.
Binasa rin ni Sacro ang mensahe ni EPD Acting Director Sr. Supt. Villamor Q. Villamor, kung saan nabanggit ang peligrosang trabaho ng mga journalist bilang mga “tagapagpadala ng mga katotohanan.”
Dahil dito, tiniyak ni Villamor ang buong suporta ng EPD sa mga media para sa kanilang kaligtasan.
More Stories
PRESYO NG KAMATIS UMABOT NA SA P20 KADA PIRASO
House Bill 11252 inihain ni Salceda… PRANGKISA NG ABS-CBN BUBUHAYIN
ISLAY ERIKA AT RAN LONGSHU BAKBAKAN SA ONE CHAMPIONSHIP