Ihahain sa susunod na linggo ang ika-apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa House of Representatives, ayon kay House Secretary General Reginald Velasco.
Aniya, nakarating sa kanya ang impormasyon mula sa isang miyembro ng House majority, at inaasahan na ihahain ang panibagong complaint sa Lunes.
“There are also some members who are still requesting for an extension because they are thinking of filing another complaint… a fourth complaint. Wala pang sinabi kung ilan ‘yung mag-i-endorse noon. Basta sinabi lang to wait for the fourth complaint,” saad ni Velasco.
“If they file it on Monday, I will have to make a decision whether I will then refer it to the Speaker or delay it further, because, again, I’ll refer this to the legal department for study, if there will be a fourth complaint,” dagdag niya.
More Stories
Para sa patas na halalan… GUANZON: MGA ARTISTA NA ENDORSER NG MGA KANDIDATO, I-TAX CHECK!
Comelec nagsimula na sa pag-imprenta ng mga balota para sa halalan sa 2025
UAE NAGGAWAD NG PARDON SA 220 PINOY; NAKATAKDANG PAUWIIN