Itinanggi ni Miami Heat president Pat Riley na kanilang iti-trade si Jimmy Butler.
Kasunod ito sa mga lumabas na usapin na nakatakdang lumipat sa ibang koponan si Butler.
Giit nito na kung gusto naman ni Butler na lumipat ay maari siyang maging free-agent.
Dagdag pa niya na hindi talaga sila pumapatol sa mga usapin subalit ang isyu kay kailangan nilang sagutin lalo na at nakakasira na ito sa konsentrasyon ng isang manlalaro.
Sa ngayon ay ipinapaubaya na lamang nila ang desisyon kay Butler kung ito ay lilipat ng koponan. RON TOLENTINO
More Stories
P6.352-T 2025 NAT’L BUDGET NILAGDAAN NI MARCOS
Live in partner tinadtad ng bala habang natutulog patay sa Quezon
Araw ni Rizal, Ginunita