ISANG malakas na pagsabog ang naganap sa Beirut port na ikinamatay ng 78 katao habang nasa 4,000 ang sugatan sa Lebanon.
Dahil sa lakas ng dagundong nagdulot pa ito ng seismic shock waves na katumbas ng 3.3 magnitude na lindol dahilan para mabasag ang mga bintina at winasak ang mga gusali.
Sinabi ni Health Minister Hamad Hassan, agad na dinala sa iba’t ibang pagamutan ang mga biktima.
Nagpakalat na rin sila ng mga rescuers sa lugar para iligtas ang mga naipit sa pagsabog.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, sumabog ang isang bodega na pinaglagyan ng mga nakumpiskang mga pampasabog.
iniyak naman ni Prime Minister Hassan Diab na kaniyang pananagutin ang sinumang nasa likod ng pagsabog.
Hindi rin nakaligtas ang Baabda Palace, ang official residence ng Lebanese president.
Kasunod din nito, nagdeklara na siya ng national day of mourning sa nangyaring pagsabog.
Naramdaman ang nasabing pagsabog sa 240 kilometers maging sa isla ng Cyprus at ilang katabing lugar ng Beirut.
Dahil sa sobrang lakas ng dagundong nagdulot pa raw ito ng seismic waves na katumbas ng 3.3 magnitude.
Samantala, nagpaabot naman ng mensahe ang Amerika, Australia, Germany at France sa kahandaan nilang tumulong para sa mga biktima.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY