HINDI na kailangan takpan ng tape ang baril ng mga pulis para sa Bagong Taon.
Naniniwala si National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director PBGen. Anthony Aberin na ang mga miyembro ng NCRPO ay propesyonal at responsable.
Ayon sa acting director, ang mga pulis na magpapaputok ng baril sa pagdiriwang ng Bagong Taon ay maaring harapin ang kasong kriminal at administratibo at masisibak sa kanilang puwesto.
Samantala, nabanggit ni Aberin ang napaulat na dalawang kaso ng ligaw nab ala, isa sa Sta. Mesa sa Maynila at isa sa Paranaque City noong Pasko.
Ang kaso sa Sta. Mesa, Maynila ay dahil sa away kung saan may nagputok ng baril, habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente sa Paranaque.
Ibinahagi rin niya na plantsado na ang seguridad para sa darating na Bagong Taon.
“Tuloy tuloy ang NCRPO para ilatag ang security coverage po para sa New Year at andun pa rin ang deployment ng mahigit 10,000 pulis na nakadeploy sa places of convergence natin kagaya ng terminal, mga malls, simbahan at marami pang iba,” saad niya.
More Stories
P6.352-T 2025 NAT’L BUDGET NILAGDAAN NI MARCOS
Live in partner tinadtad ng bala habang natutulog patay sa Quezon
Araw ni Rizal, Ginunita