Pumanaw na ang dating senador at beteranong TV at Radio broadcaster na si Edgar “Eddie” Ilarde sa edad 85.
Ayon sa kaanak nito, pumanaw na ito sa kaniyang bahay sa Makati City dakong 11:40 a.m nitong Martes, Agosto 4, 2020. Sumikat ito sa TV show na “Student Canteen” mula 1950 hanggang 1990.
Nakilala rin ito sa mga radio program gaya ng “Kahapon Lamang”, “Dear Kuya Eddie” at “Napakasakit, Kuya Eddie” noong dekada ’80 mula sa kanta ng inawit ni Roel Cortez.
Naging councilor ng Pasay City mula 1963 hanggang 1965 at naging assemblyman sa Interim Batasang Pambansa.
Mula 1970-73 ay naging senador sa Seventh Congress.
Bumuhos naman ang pakikiramay sa social media mula sa dating fans at nakasama ni Ilarde.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY