
INILABAS na ng Social Weather Station(SWS) ang last quarter pre-election Senatorial Preferential survey nito sa buong bansa.
Isinagawa ang face-to-face survey sa 2,097 registered voters mula December 12 hanggang December 18, 2024.
Nasa magic 12 pa rin si Sen. Lito Lapid na nasungkit ang number 11 spot kung saan nakakuha sya ng 23 percent.
Taus-pusong nagpasalamat si Lapid sa mga kababayan nating patuloy na nagtitiwala at nagmamahal sa kanya.
“Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala at pagmamahal. Hangad ko po na maipagpatuloy ang mga nasimulan kong mga programa para sa agrikultura, edukasyon, kalusugan, paglikha ng mga trabaho, turismo at pagtulong sa mga mahihirap. Ramdam ko po ang inyong kalagayan dahil galing din ako sa mahirap na buhay noon,” diin ni Lapid na gumaganap na Supremo sa FPJ’s Batang Quiapo.
Si Sen. Lapid ay isang beteranong lingkod bayan na nagsilbi ng mahigit 30 na taon bilang Bise Gobernador at Gobernador ng Pampanga at Senador.
More Stories
Most Wanted sa carnapping, kusang sumuko sa Caloocan Police
Radio DJ Nicole Hyala, ibinunyag na may thyroid cancer: “Mali ka ng kinalaban!”
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup