UMABOT sa halos 190,000 pasahero sa mga paliparan sa buong bansa noong Disyembre 24 at 25 ang naitala ng Bureau of Immigration.
Ayon sa BI, nakapagtala sila ng 52,437 airport arrivals at 41,895 airport departures noong Bisperas ng Pasko lamang at 47,669 airport arrivals at 44,192 airport departures nitong Christmas Day.
The number of travelers processed by immigration officers over the two days remained consistent with figures recorded during the same period last year, reflecting a steady recovery of international travel,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado.
“Our officers are committed to providing seamless services despite the surge in traveler numbers during this peak season,” saad pa niya.
Binanggit niya na inaasahan ng BI ang isa pang pagtaas sa bilang ng mga manlalakbay sa susunod na linggo, para sa mga pagdiriwang ng Bagong Taon.
Muling pinaalalahanan ng BI ang mga biyahero na dumating nang mas maaga kaysa karaniwan sa mga paliparan at tapusin ang kanilang mga kinakailangan bago umalis at pagdating upang makatulong na mapadali ang daloy sa mga immigration counter sa panahon ng peak travel season na ito.
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS