SUGATAN ang siyam na katao makaraang magsalpukan ang isang pampasaherong Daewoo Bus ng Philtranco Company na may plakang AAZ1507 na minamaneho ni alyas “Reynaldo”, 48 anyos at ang Trailer Truck na may plakang CBN 2756 na minamaneho naman ng driver na si Aljon Magboo, na nasa hustong gulang bandang bandang 9:20 ng gabi December 25, 2024 araw ng Pasko sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Isabang ng Tayabas, Quezon.
Ayon sa report ng pulisya Tayabas PNP, kasalukuyang tumatawid ang Trailer Truck na minamaneho ni Magboo, patungong Lucena City, ng aksidenteng mabangga ng nasabing bus parehong nagkaroon ng pinsala ang dalawang sasakyan at nasugatan naman ang driver na si “Reynaldo” at walong pasahero ng bus din ang nasugatan kabilang ang isang babaeng senior citizen na edad 71 anyos at batang babae na edad 2 taon na agad dinala sa Quezon Medical Center sa Lucena City, habang agad inilipat sa isa pang bus ng Philtranco ang iba pang pasahero para maihatid sa kanilang destinasyon.
Mahaharap ang driver ng bus sa kasong Reckless Imprudence Resulting into Damage to Property at Multiple Slight Physical Injuries. (Erichh Abrenica)
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS