Binigyang ng permit ang mga mga frontline officers ng Bureau of Immigration (BI) para batiin ang mga biyahero ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga frontline officers ng kanyang ahensya na maaari ang mga ito na magbigay ng holiday greetings sa mga biyahero ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay Commissioner Viado, kailangan lamang na tiyakin na ang pagbati ay magalang at inklusibo upang maipadama sa lahat ng biyahero ang mainit na pagtanggap anuman ang kanilang relihiyon o pinagmulan.
Ani Viado, kilalang-kilala ang mga Pilipino sa ating pagiging maasikaso at magiliw, lalo na tuwing Pasko. Sa simpleng pagbati, naipapakita umano natin ang diwa ng Paskong Pinoy na puno ng respeto at pagkakaisa.
Pinaalala rin ng BI Chief na bawal pa rin ang pagtanggap ng regalo o anumang token ng mga tauhan ng pamahalaan. Sa halip, hinikayat niya ang mga biyahero na magbigay ng simpleng ngiti o pagbati bilang pasasalamat sa kanilang sakripisyo sa trabaho ngayong holiday season.
Inaasahan naman ng BI ang humigit-kumulang 110,000 arrivals at departures araw-araw ngayong Kapaskuhan. Kaya’t pinapayuhan ng BI ang mga pasahero na dumating nang maaga sa paliparan at sumunod sa mga immigration protocols para sa maayos na biyahe. ARSENIO TAN
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA