December 22, 2024

MONUMENTO NI EX-PRESIDENT QUIRINO INI-UNVEIL SA MUNTINLUPA CITY

PINANGUNAHAN ni Japanase Ambassador to the Philippines Endo Kazuya kasama si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, ang pag-unveil o paglalantad ng monumento ng yumaong President Elpidio Quirino sa Kiyoshi Ozawa Compound sa loob ng New Bilibid Reservation Area sa Muntinlupa City.

Hindi malilimutan ng mamamayan ng Japan ang leadership at humanity ni Pangulong Quirino dahil sa kanyang makasaysayang amnestiya sa Japanese prisoners of war (POWs) sa Pilipinas, na naglatag ng pundasyon para sa muling panunumbalik ng ugnayan sa pagitan ng Japan at Pilipinas.

Sa isang mensahe na ipinarating ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., na binasa ng kanyang kinatawan na si C/CSUPT. Melencio Faustino, Director, BuCor Land Control and Management Center (BLCMC), binate niya ang ANG PINOY@HAPON UNITED FOUNDATION Inc., ang organisasyon na nag-organize ng nasabing event.

“The collaborative effort showed that we were touched and inspired by the life and virtues of our 6th President, Pres. Quirino, who had shown his faithfulness to the words of our Creator by exemplifying that to forgive is divine,” aniya.

Ito ay nagpapahiwatig na ang paglimot at pagpapatawad ay hindi magbabago sa nakalipas; sa halip, bibigyan nito ng pagkakataon ang hinaharap.

“In the midst of his personal pain for his country and especially for grieving over what he personally lost, he forgave what we considered unforgivable,” dagdag ni Catapang.

Sabi pa ni Catapang, “His faith in humanity was stronger than his pains.”

Dagdag pa niya, “His decisiveness paved the way for what our country and Japan are now enjoying: a partnership forged through kindness towards a brighter economic and cultural blend for tomorrow and beyond.”

Ang monumento na ito ay buhay na patunay ng kapayapaan, pagkakaisa, kabutihan at pagkakaibigan hindi lamang sa pagitan ng dalawang bansa kundi ng buong mundo.

Dumalo rin sa nasabing event ay sina Atty. Aleli Angela G. Quirino, President of the Quirino Foundation; Asanuma Takeshita, Chairman ng ANG PINOY@HAPON UNITED FOUNDATION, Inc.; at Ms. KANO Kayoko ng KANO Art Promotion Japan.