MAHIGIT sa 10,000 pulis ang idineploy sa Metro Manila ang idineploy upang magbantay sa Simbang Gabi, na magsisimula ngayong Disyembre 16 hanggang bisperas ng Pasko.
Ayon kay PBGen. Anthony Aberin, Metro Manila Police Chief, na bukod sa simbahan, maglalagay din ng mga pulis sa transportation hubs.
Sinabi niya sa TeleRadyo Serbisyo posibleng tumaas muli ang mga kaso ng snatching at mga insidente ng “salisi,” na kadalasang nangyayari sa matataong lugar.
Idinagdag niya na nag-deploy na sila ng karagdagang tauhan mula sa District Mobile Force Battalion at Regional Mobile Force Battalion upang dagdagan ang tauhan sa kanilang mga istasyon.
Una nang inihayag ng Philippine National Police na palalakasin nito ang security operations sa buong bansa para sa Pasko at year-end events.
Samantala, umaasa si Cardinal Pablo Virgilio “Ambo” David na magbibigay ng makabuluhang homiliya ang mga pari sa Simbang Gabi.
“Ang paanyaya ko lang sa lahat ng kaparian, please prepare naman your homilies,” ayon sa cardinal matapos ang kanyang thanksgiving mass sa San Roque Cathedral Parish nitong Linggo ng umaga.
“Ito yung panahon na talagang nakikinig ang mga tao, they are captive audiences. They would really like to hear the Word of God,” dagdag niya.
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI