LUMIHAM ang dalawang ang senior lawmakers sa Google at Apple Friday para ipaalam sa kanila na kailangan na nilang tanggalin ang TikTok sa kanilang app stores sa Enero 19.
Sinabi nina Representatives John Moolenaar at Raja Krishnamoorthi, ang mga nangungunang Republican at Democrat sa House Select Committee on the CCP (Chinese Communist Party), kina Apple CEO Tim Cook at Google CEO Sundar Pichai na, “Congress has provided ample time — 233 days and counting — for the company to take the necessary steps to comply with the law and pursue a divestment that protects U.S. national security.”
“Without a qualified divestiture, the Act makes it unlawful to ‘[p]rovid[e] services to distribute, maintain, or update such foreign adversary-controlled application (including any source code of such application) by means of a marketplace,'” ayon sa kanilang liham.
“Under U.S. law, [Apple and Google] must take the necessary steps to ensure it can fully comply with this requirement by January 19, 2025,” dagdag pa ng mga ito.
Binanggit nila ang isang panukalang batas na nilagdaan ni Pangulong Joe Biden na nag-aatas na ibenta ang TikTok ng kanyang Chinese parent company — ByteDance — o harapin ang US ban.
Wala pang ginagawa ang TikTok, at ang US Court of Appeals para sa DC Circuit ay nagkakaisang nagpapatibay ng batas noong nakaraang linggo, sinasabing hindi ito lumalabag sa First Amendment.
Sa isang hiwalay na liham kay TikTok CEO Shou Chew, hinimok nina Moolenaar at Krishnamoorthi ang kumpanya na “agad na isagawa ang isang kwalipikadong pagbebenta,” na binanggit ang desisyon ng hukuman, na tumanggi sa mga pahayag ng kumpanya.
“Congress has acted decisively to defend the national security of the United States and protect TikTok’s American users from the Chinese Communist Party,” ayon sa liham.
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust