DALAWANG impeach complaints na ang inihain laban kay Vice Presidential Sara Duterte na nag-ugat dahil sa kanyang pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., umano’y maling paggamit ng pondo at mabigong kondenahin ang pambu-bully ng China sa West Philippine Sea.
Ayon sa Kontistusyon, “a vote of at least one-third of all the Members of the House shall be necessary either to affirm a favorable resolution with the Articles of Impeachment of the Committee, or override its contrary resolution.”
Sa kasalukuyan, mayroong 307 miyembro ang Kamara, kung saan nangangahulugan na 103 na boto ang kailangan para iendorso ang kaso sa Senado. “In case the verified complaint or resolution of impeachment is filed by at least one-third of all the Members of the House, the same shall constitute the Articles of Impeachment, and trial by the Senate shall forthwith proceed,” nakasaad sa Sec 3 (3) of Article XI.
Magsasagawa ang Senado ng full trial upang desiyunan ang lahat ng impeachment cases. Kung ang two-thirds ng mga miyembro ng Senado ay bumoto upang i-convict ang isang opisyal, alinsunod sa Articles of Impeachment, matataggal sa puwesto ang opisyal. Kailangan lamang ng approval ng 16 sa 23 senador. Nangangahulugan lamang din na kailangan ni Duterte ng walong boto na “no” para hindi siya ma-impeach.
Sino ang papalit kay Sara Duterte kung mahahatulan siya sa impeachment case?
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA