December 20, 2024

ASIN CENTER: SALT INNOVATION PARA SA MAGANDANG KINABUKASAN

Itinatayo na sa Pangasinan ang kauna-unahang Asin Center sa buong Pilipinas.

Matatagpuan ito sa Pangasinan State University (PSU) Binmaley Campus, Pangasinan, sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST) – Niche Centers in the Region (NICER) program sa kanilang adhikaing itaguyod ang salt industry sa bansa.

Layunin nito na maisulong ang makabagong mga pamamaraan maging makinarya pagdating sa pag-aasin.

Kaugnay nito, personal na dinaluhan ni DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang ang programa upang magpahayag ng kanyang suporta sa patuloy na pagtataguyod ng salt industry sa Pangasinan at sa Rehiyon Uno.

Ibinahagi nito ang pagbubukas ng mga oportunidad para sa industriya, sa salt production nito sa lalawigan, maging para sa mga salt makers at producers.

Aniya, bilang ang lalawigan ay ang kanya ring kahulugan, “Pangasinan”, sa lokal na dayalekto, “Pangasinan o pagawaan ng asin”, nararapat lamang umanong ang lalawigan ang siyang manguna sa pagtataguyod sa naturang industriya.

Katuwang pa ang PSU Lingayen, tiniyak ang mas yayabong na produksyon ng asin na ipakikilala sa buong bansa.

Samantala, inanyayahan ang lahat na dumalo sa ikalawang salt congress ngayong araw para sa mas malawak pang kaalaman ukol sa isinusulong na programa.