January 22, 2025

DIGONG ‘DI NA IMBITADO SA SUSUNOD NA HOUSE QUAD COMM HEARING – BARBERS


HINDI na iimbitahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na pagdinig ng House quad committee na nag-iimbestiga sa madugong giyera kontra droga ng kanyang administrasyon.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chairman ng panel, sapat na ang naging pahayag ni Duterte sa pagdinig noong nakaraang Nobyembre 13 sa Kamara.

“No need na siguro, because yung 12-hour, 13 hours na meeting natin sa kaniya, basically yun na yung gusto nating marinig, a little more than what he revealed or what he admitted in the Senate,” saad ni Barbers.

“So sa tingin ko, sufficient na yun,” dagdag pa nito.

Isasagawa ng quad committee ang susunod na pagdinig sa Disyembre 12.

Naging adbentahe ni Duterte ang kanyang paglutang noong Nobyembre 13 sa pagdinig, dahil marami ang humanga sa kanyang pagiging antics at one-liners.

Sa naturang pagdinig, hinamon ng 79-anyos na ang International Criminal Court na simulant na nito ang imbestigasyon bago siya mamatay. “Magpunta na sila rito bukas. Umpisahan na nila ang investigation. And if I found guilty, I will go to prison,” matapang na pahayag ni Duterte.