PORMAL nang ipinakita ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang monumento ng “VITA INFINITUM” sa NKTI Ground sa Quezon City nitong Disyembre 5.
Ito’y bilang pagpupugay sa kabayanihan sa mga yumao na nagbigay ng kanilang organ para sa transplantasyon, na nagpakita ng walang hanggang pagmamahal at pag-alalay ng kanilang buhay para sa iba.
Dumalo sa nasabing unveiling sina Dr. Enrique T. Ona-former Health Secretary, Dr. Rose Marie O. Rosete-Liquete-NKTI Exec Director, Johun Joshua “Josh” Santos- Assistant Regional Coordinator Charter President, Rotary Club ng San Juan Supreme at iba pang opisyal ng NKTI.
Kasama rin nila ang mga kaanak ng mga yumaong organ donors at liver recipients.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA