December 23, 2024

187 POGO WORKERS DEPORTED

Makikita sa larawan ang ilang bahagi ng 187 POGO workers na ipina-deport nitong Huwebes, (ARSENIO TAN)

Aabot sa 187 POGO (Philippine Offshore Gaming) workers ang naipa-deport pabalik ng China nitong Huwebes ng umaga, Disyembre 5 via NAIA Terminal 1.

Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Gilbert Cruz, ang mga deported workers ay mula sa iba’t ibang POGO hubs na sinalakay ng mga awtoridad: 112 mula sa 3D Analyzer sa Pasay; 57 mula sa Tourist Garden Hotel sa Lapu-Lapu City, Cebu; at 11 mula sa Zun Yuan Technology sa Bamban, Tarlac, SmartWeb Technology sa Pasay at Clark, Pampanga.

Ayon kay Cruz, na-deport ang nasabing mga worker dahil sa paglabag sa Philippine immigration laws at kakulangan ng kaukulang dokumento para manatili pa sa bansa.

Nabatid na ‘pag dating sa China, ang mga deported POGO workers ay isasailalim sa imbestigasyon dahil sa posibilidad na pagkakasangkot sa online scamming activities.

Ayon kay Cruzm, 190 POGO workers dapat ang sana’y ipapadeport, pero ipinagpaliban ang tatlo dahil sa pending documentation.

Ang pagpapauwi sa kanila ay may kaugnayan sa nalalapit na deadline para sa POGO upang ganap na matigil na ang operasyon sa bansa, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (ARSENIO TAN)