December 23, 2024

PRESENSIYA NG RUSIAN SUBMARINE SA WPS, ‘LUBHANG NAKAKABAHALA’ – PBBM

LUBHANG nababahala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos mapaulat ang presensiya ng Russian Attack submarine sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Ito’y matapos mamonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Russian Attack Submarine UFA 490 sa 80 nautical miles sa kanlurang bahagi ng Cape Calavite, Occidental Mindoro sa West Philippine Sea (WPS) nitong Nobyembre 28.

“Any intrusion into the West Philippine Sea, of our EEZ, of our baselines, is very worrisome,” ayon kay Marcos.

Inatasan na ng pangulo ang AFP sa pagtalakay sa usapin at gumawa ng karampatang aksyon upang matiyak ang seguridad ng bansa.

Gayunpaman, sinabi ni National Security Council (NSC) Assistant Director General na galing sa naval exercises ang Russian attack submarine sa Royal Malaysian Navy at napadaan lamang sa EEZ ng Pilipinas dahil masama ang panahon noong November 28.

Hinintay lamang aniya ng submarine na gumanda ang panahon at kinahapunan ng November 28 ay umalis na rin ito patungo sa Vladivostok, Russia.

“We challenged the attack submarine kung ano ang ginagawa sa ating exclusive economic zone, at sumagot ito. Ang sabi niya, nagpakilala ito na Russian attack submarine at galing sa exercises, PASSEX exercises with the Royal Malaysian Navy sa Kota Kinabalu, sa Malaysia and on the way na siya oabalik sa kanyang naval base sa Vladivostok,” saad ni Malaya.

Nilinaw rin ni Malaya na hindi sakop ng teritoryo ng Pilipinas ang lugar kung saan namataan ang submarine.
“Let me just emphasize, ito pong parte kung saan siya namataan, hindi siya territorial sea ng Pilipinas. Nasa high seas siya nasa exclusive economic zone. So technically, the Russian ship is exercising freedom of navigation,” dagdag ni Malaya.