January 13, 2025

3 PATAY, 31 NAOSPITAL SA KINAING PAWIKAN

Naging trahedya ang masaya sanang selebrasyon ng isang barangay matapos mamatay ang tatlo katao habang 31 ang naospital dahil sa umano’y food poisoning dulot ng kinaing karne ng pawikan sa Barangay Linao, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Agila ng Bayan, ang mga biktima ay pawang mga miyembro ng local indigenous community.

Inatasan ni Mayor Datu Marshall Sinsuat ang rural health unit (RHU) team na suriing mabuti ang kondisyon ng mga biktima at ilipat sila sa mas malaking ospital kung kinakailangan.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga health officials upang matukoy kung ang karne ng pawikan o hindi maayos na preparasyon ang dahilan ng malawakang food poisoning.

Ang pagkain ng mga pawikan ay hindi lamang mapanganib kundi ito rin ay illegal ayon sa ilalim ng batas ng Pilipinas dahil sa kanilang pagiging endangered status.