KAAGAD binawian ng buhay ang isang 48-anyos na lalaki makaraang barilin ng 12 gauge shotgun ng isang salarin dahil umano sa pagtanggi ng biktima sa alok na settlement sa Lobo, Batangas nitong Linggo ng gabi.
Kinalala ang nasawing biktima na si Ronald Manalo, habang ang suspek ay nakilalang si Antonio Carno, nasa hustong gulang at pawang residente ng Purok 2, Brgy. Lagadlarin ng nabanggit na bayan.
Dead on the spot ang isang kuwarenta’y otso anyos na biktima makarang barilin ng 12 gauge shot gun ng isang salarin dahil umano sa pagtanggi ng biktima sa alok na settlement na nangyari nuon alas otso ng gabi araw ng linggo December 1, 2024 sa Purok 2, Brgy. Lagadlarin ng Lobo, Batangas.
Kinilala ang nasawing biktima na si Ronald Manalo, habang ang salarin ay nakilalang si Antonio Camo, nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lugar.
Ayon sa salaysay ng kapatid ng biktima na si Romnick Manalo sa mga imbestigador ng Lobo Municipal Police Station, bago ang nangyaring pamamaslang sa kanyang kapatid na si Ronald, ay nagkaroon muna sila ng masayang inuman at bandang alas-7:10 ng gabi nang magpaalam ang biktima para umuwi ng kanilang bahay.
Makalipas ang ilang saglit ay umalingawngaw ang malalakas na putok ng baril at nakitang nakahandusay ang biktima na may tama ng bala ng shot gun sa likod.
Mablis na tumakas ang suspek sa hindi pa matukoy na direksyon matapos ang pamamaril.
Ayon naman kay Police Major Jeffrey Fontanilla, ang hepe ng nabanggit na bayan, lumalabas na ang salarin din ang nakabaril at nakapatay sa ama ng biktima at nakikipag areglo ito sa pamamagitan ng isang settlement na tinanggíhan ng biktima.
Nagpapatuloy ang isinasagawang manhunt at follow up operations ng mga awtoridad laban sa salarin na mahaharap sa kasong Murder. (Erichh Abrenica)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA