IPINAG-UTOS ng House committee on good governance and public accountability ang pagpapalaya kay Atty. Zuleika Lopez, ang chief of staff at undersecretary ng Office of the Vice President (OVP) matapos ang kanyang 10-day detention period.
“In view of the undertaking to attend all hearings, you are hereby ordered to immediately RELEASE ATTY. ZULEIKA T. LOPEZ after a medical examination has been conducted on her,” mababasa sa release order na naka-address kay House Sergeant-at-arms Napoleon Taas at nilagdaan ni chairman of the House panel, Manila Rep. Joel Chua.
Paglilinaw ng komite, tapos na ang 10 araw na kulong na ipinataw kay Zuleika makaraan i-cite in contempt bunsod ng umano’y “undue interference” sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng kwestyunableng paggastos sa P612-milyon confidential funds na inilaan ng Kongreso sa OVP at Department of Education (DepEd) na dating hinawakan ng bise presidente.
Nauna nang sinabi ni Lopez sa isang pagdinig sa kongreso na wala siyang kaalaman kung paano ginagamit ng OVP ang mga confidential funds nito, at sinabing ang kanyang tungkulin sa OVP ay pangasiwaan lamang ang pagpapatupad ng lahat ng socio-economic projects ng naturang tanggapan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA