Simple lang pala ang sinasabing “ Fountain of Youth” para mapanatiling mukhang bata ang hitsura. Hindi na pala kailangan pa ng anumang burloloy sa mukha para maging mukhang baby face. Halimbawa na lang ay ang 42-anyos na si Sarah Smith ( kapangalan ng BBC host na si Sarah Smith) , isang British woman na may 2 anak na nagdurusa sa migraines. Ang payo ng kanyang doktor para mawala ang migraines, tumigil sa pag-inom ng mga inuming may taglay na caffaine at damihan ang pag-inom ng tubig.
Kung kaya, umiinom siya ng 3 litro ng tubig kada araw. Kapansin-pansin na hindi lang nawawala ang kanyang migraines, kundi, bumata pa ang kanyang hitsura ng halos 10 taon. Nawala kasi ang kanyang mga wrinkles at iba pang kulubot sa balat.
Bukod dito, naging maliksi pa siya at magaan ang pakiramdam sa katawan at bumaba ang kanyang timbang.
Ayon sa kanyang doktora na si Dr. Emma Derbyshire, isang nutritional physiology senior lecturer sa Metropolitan University, nabasa niya ang survey na isa sa limang babae ay umiinom ng gayung kadaming tubig sa isang araw. Ito umano ang nag-udyok sa kanila na ipagawa iyon kay Sarah bilang eksperimento. Kaya, dito sila nagbigay ng konklusyon na ang pag-inom ng maraminbg tubig para pigilan ang dehydration ay may kinalaman sa hitsura at kilos ng isang tao.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?