Sinabihan umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kongreso na huwag maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ito ni Marcos matapos na hilingin sa kanya na kumpirmahin ang text message na ipinadala niya sa Kamara na lumutang kahapon.
Ayon kay Marcos, ang text message ay private communication, subalit ito ay lumabas.
Sinabi niya na ang kanyang text message ay ang kanyang opinyon.
Idinagdag pa niya na hindi ito mahalaga, at hindi rin ito magkakaroon ng pagbabago sa buhay ng mga mamamayan, kaya huwag na lamang sayangin ang panahon dito.
Iginiit pa ni Marcos na ang impeachment complaint ay magbubunsod lamang ng “tie down” ng Kamara at Senado.
More Stories
Loteyro ang da best sa Samahang Plaridel golfest
P1.7-M SHABU NAKUMPISKA SA 3 HVI SA CAVITE
P374K shabu, nakumpiska sa HVI drug suspect sa Valenzuela