NATAGPUANG naliligo sa kanilang mga sariling dugo ang tatlong biktima na pinaslang gamit ang isang bolo o itak ng isang salarin dahil umano sa selos nitong Lunes, Nobyembre 25, sa bakanteng lote ng Sto. Niño Compound Barangay Mayapa sa Lungsod ng Calamba, Laguna.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Felix Busion, 64 taon gulang, isang alyas “Vivian”, nasa hustong gulang at Dante Luzano, nasa hustong gulang, mga residente sa lugar ng pinangyarihan ng krimen.
Habang kinilala naman ang pangunahing suspek na si alyas “Anthony,” 41-anyos, residente ng Barangay Sto. Niño ng kaparehong lungsod.
Ayon sa ipinadalang report ni Calamba City Chief of Police, Colonel Jay Cuden kay PRO 4A Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, bago nangyari ang krimen ay ipinagtapat umano ni alyas “Cherry,” 36 years old na live-in partner ng salarin na si alyas “Anthony” ay nagkaroon muna ng masayang inuman ang mga biktima at ang salarin sa tapat ng barong-barong ng mga biktima at bigla na lamang umanong sinugod at inatake ng taga sa ulo at katawan ang biktimang si Dante na pinaghihinalaang may relasyon sa live-in partner ng salarin at
Sumunod na pinaslang sina Busion at alyas “Vivian” bago mabilis na tumakas ang suspek kasama ang kanyang live-in partner.
Nadakip naman ng mga tauhan ng intelligence section ng Calamba City PNP ang salarin sa isinagawang manhunt operations at positibong itinuro ni alyas “Cherry” na si “Anthony” ang responsable sa pagmasaker sa tatlong biktima.
Mahaharap ang salarin sa kasong Multiple Murder na nasa kustodiya na ngayon ng Calamba City Custodial and Holding Facility at nakatakdang isailalim ng inquest proceedings. (Erichh Abrenica)
More Stories
Wala pang person of interest sa kill order ni VP Sara vs Marcos, iba pa – NBI
SEC. GADON, IPADI-DISBAR SI VP SARA
2025 NATIONAL BUDGET APRUBADO SA SENADO