
NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark ang 178 puslit na gagamba na nakalagay sa isang air parcel na idineklara bilang “Hairclips” mula Indonesia.
Sa ginawang physical examination, natagpuan sa nasabing air pacel ang 157 botelya na naglalaman ng buhay na gagamba at 21 na patay na specimen. Ang subject na parcel ay ipapadala sa Valenzuela, ay kinailangan suriin nang pisikal dahil sa kahina-hinalang deklarasyon ng consignee.
Ang tangkang pagpuslit sa buhay an gagamba ay paglabag sa Sections 117 at 113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa R.A. No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Agad na itinurnover ang mga nasabat na gagamba sa Department of Environment and Natural Resources – Provincial Environment and Natural Resources Office (DENR-PENR)
“The BOC’s commitment of preventing smuggling is similarly essential in safeguarding wildlife and maintaining national biosecurity and ecological balance,” diin ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
Sa ilalim ng pamumuno ni Acting District Collector Jairus Reyes, nanatiling vigilant ang BOC-Clark at nakatuon upang protektahan ang mga daungan at crossing borders ng bansa sa lahat ng uri ng smuggling kabilang ang wildlife trafficking.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na