November 20, 2024

DISMISSAL NG BUS DRIVER NA SANGKOT SA MARAMING AKSIDENTE, PINAGTIBAY NG SC

PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang dismissal sa isang bus driver na ilang beses nasangkot sa aksidente.

Sa isang desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting, napatunayan ng Supreme Court en banc bilang valid ang dismissal kay Marcelino Lingganay ng kanyang employer, Del Monte Land Transport Bus Company, Inc. (DLTBCo.).

Nabatid na kinuha si Lingganay ng kompanya noong 2013 bilang bus driver at nakaasidente ng isang pedestrian subalit ito’y inayos ng kompanya.

Hanggang masangkot ulit ito sa aksidente noong 2016 at 2017 at naulit pa, muling inayos ng kompanya ang mga kaso.

Dahil sa nasabing mga aksidente, tinanggal siya ng kompanya matapos mapatunayan na lumabag siya sa patakaran ng kompanya laban sa reckless driving and gross negligence resulting in injuries and damage to properties.

Kinuwestiyon ni Lingganay ang pagkakatanggal sa kanya at naghain ng labor case sa National Labor Relations Commission na umabot sa Court of Appeals na pinagtibay din ang kanyang dismissal.

Umakyat ang kaso sa SC na pinagtibay ang pagkakatanggal sa kanya. (ARSENIO TAN)