November 20, 2024

MARCOS: MAGDASAL, MAGKAISA SA GITNA NG SUNOD-SUNOD NA KALAMIDAD

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga Filipino na magkaisa at magdasal sa gitna ng mga hamon dulot ng mga bagyo na pumasok sa bansa nitong mga nakaraang linggo.

Sa kanyang talumpati sa  49th Philippine National Prayer Breakfast (PNPB) nitong Lunes na ginanap sa Palasyo, inihayag ng Chief Executive na sa pamamagitan ng pagkakaisa at panalangin, makakaraos ang mga Filipino sa anumang unos.

 “Our collective faith and prayer to the Almighty is the most powerful tool that we have to weather these storms and the destruction that they bring,” saad ni Marcos.

Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos na ang pagkakaisa at pananampalataya ay mahalaga sa pagharap sa iba’t ibang hamon na kinakaharap ng bansa.

 “The vision of the PNPB — to unite in the spirit of Christ, shaping our lives according to God’s will, and working together to bring about the realization of God’s reign in the Philippines — is a clarion call to all who bear the responsibility of leadership to look beyond the immediate, to aspire to what is enduring and what is righteous,” wika ng Pangulo.

“The world and our country are facing so much divisiveness — beliefs, politics, and even generational cultural differences. These often make us forget our humanity, that we are one in our shared goal: to serve our fellow Filipinos, to help the Philippines flourish,” dagdag niya.

Ang Philippine National Prayer Breakfast ay isang taunang pagtitipon kung saan nagkakaisa ang mga pinuno ng bansa upang magdasal at humingi ng gabay sa Diyos. Ito ay isang tradisyonal na pagtitipon na ginaganap tuwing taon, kung saan ang Pangulo ng Pilipinas ay regular na nagbibigay ng talumpati.



Ang pagtitipon na ito ay may layuning magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga Pilipino, lalo na sa mga panahon ng krisis. Sa mga nakaraang taon, ang Philippine National Prayer Breakfast ay naging isang mahalagang okasyon upang magbigay ng suporta sa mga naapektuhan ng kalamidad at mga hamon sa bansa.