November 18, 2024

Philippine University Archery League C’ship tutudla sa PUP Ground sa Nob. 23-24

MAGTUTUNGGALIAN sa tudlaan  ang mga pinakamahuhusay at asintadong student archers sa bansa sa pagpana ng 1st Philippine University Archery League Championship sa Polytechnic University of the Philippines (PUP)oval field sa Sta Mesa, Maynila mula Nòyembre 23 hanggang 24.

Ang òganisador na Federation of School Sports Association of the Philippines( FESSAP ) na siya ring punong-abala ay naipursige ang kampeonato bunga na rin ng inspirasyon dulot ng matagumpay na partisipasyon ng Pilipinas sa nakaraang 2nd Asian University Archery Championship na ginanap sa   Taipei City Gymnasium, Taipei City, Taiwan.

Inaprubahan ni PUP president Dr. Manuel M. Muhi ang request ng FESSAP na  i-host ang  1st PUAL, kilala dating  National Students Archery Championship na idinaraos noon salitan ang   Baguio City at Maynila.

“We would like to congratulate Dr. Muhi, who will be serving his second term as university president of PUP,” wika ni  FESSAP president Edwin C. Fabro.

Pinangungunahan ni Christian D. Tan, FESSAP honorary vice president, ang  organizing committee bilang PUAL chairman.

Inaprubahan ng FESSAP Executive Committee ang  chairmanship ng PUAL sa kumpirmasyon ni Fabro sa pamamagitan ni  Chairman of the Board, Alvin Tai Lian.

Binubuo ang PUAL working committee members nina  Robert Milton Calo, Cecille Sarmiento, Loren Balaoing, Allan Soria, Albert Andaya Jr., Romulo Raytos, Xyrille Kate Delima, at John Fred Dela Torre.

Ang  committee ay  may tuluy-tuloy na kòordinasyon kay  PUP Athletic Director Prof. Romulo B. Hubbard.

Kinatawan ng  PUP sa taong ito ang 2nd Asian University Archery Championship, ang paaralang laging best bet na pambato ng bansa sa liga.

Ginanap din ang 1st Asian University Archery Championship sa  Selangor, Malaysia noong 2019, kung saan ay ang  University of Baguio ang panlaban ng Pilipinas.

Ang 1st PUAL ay magsisilbinģ national qualifying tournament para sa  32nd World University Games sa  Germany pagtudla ng   July, 2025.

Ang mga partisipanteng FESSAP regular member universities ay àng sumusunod: PUP, Technological University of the Philippines, Tarlac Agricultural University, Tarlac State University, Nueva Ecija University of Science and Technology, National University, University of Baguio, University of the Cordilleras, Benguet State University, St. Alexius College, Notre Dame & Marbel University, Mariners’ Polytechnic Colleges Foundation of Canaman (CamSur), at tatlo pang naka – binbin  ang kanilang  membership application na kinabibilangan ng  Lorma College Inc., Bulacan State University at Nueva Vizcaya State University. 

Ang mga Interesado pang teams ay mangyaring i- send ang kanilang letter of intent o email sa [email protected]. (DANNY SIMON)