November 14, 2024

Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’

MAY pahaging si Chloe San Jose kay Ai-Ai delas Alas matapos kumpirmahin ng huli na hiwalay na sila ng kabnyang asawa.

Matatandaan na nagbigay ng komento si Delas Alas sa girian nina San Jose at boyfriend niyang si Olympic gold medalist Carlos Yulo, laban sa ina nito na si Angelica Yulo noong Setyembre.

Kampi noon si Delas Alas kay Angelica at pinayuhan si San Jose, “Kung wala ‘yung nanay niya, wala kang darling ngayon. Kaya girl, huwag mo siyang aawayin. At tsaka hindi ka pa asawa, girl. Girlfriend ka pa lang.”

At nito lamang Nobyembre, kinumpirma ni Delas Alas na naghiwalay na sila ni Gerald Sibayan, nai-share naman ni San Jose ang isang social media card sa Facebook hinggil sa payo sa kanya ng beteranang komedyante.

“Back to you, mamang,” saad ni San Jose sa caption. “Not to make fun of your situation but what you do to others will come right back at you 10x. It’s just the universe’s law.”

Agad binura ang nasabing post sa Facebook age ni San Jose, pero mabilis itong na-screenshots ng matatalas na netizens at nire-upload sa social media.