November 14, 2024

PNP HANDANG TUMULONG SA POSIBLENG PAG-ARESTO NG INTERPOL KAY DIGONG

NAKAHANDA ang Philippine National Police na tumulong sa International Criminal Police Organization (Interpol) sakaling isilbi ang arrest warrant laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa madugong giyera kontra droga ng administrasyon nito.

“When the time comes that they seek our assistance, then the PNP is ready to provide the necessary assistance,”  ayon kay PNP spokesperson BGen. Jean Fajardo.

Sinabi ito ni Fajardo matapos banggitin ni Duterte sa isinagawang pagdinig ng House quad committee nitong Miyerkules, Nobyembre 13, na dapat umanong magmadali na ang ICC sa pag-imbestiga sa war on drugs ng kaniyang administrasyon.

No less than the former president has clearly stated that he will submit himself to the jurisdiction of ICC. So personal, it’s his personal take and if there would be a warrant of arrest and the Interpol would seek assistance from us, said the PNP is bound by the security protocol with respect to assistance to be provided with our foreign counterparts,” ani Fajardo nitong Huwebes, Nobyembre 14, na inulat ng Manila Bulletin

Ayon pa sa tagapagsalita ng PNP, hindi na kinakailangan ng paghahanda sa kanilang panig kung sakaling mangyari ang paglalabas ng arrest warrant dahil mayroon na raw mekanismo ang ahensya pagdating sa security assistance na ipinagkakaloob sa International Criminal Police Organization (Interpol) at kanilang foreign counterparts.

“This mechanism is working and this will not be the first time for the PNP to extend assistance to our foreign counterparts in terms of arresting individuals subject to Red Notices being issued by Interpol,” saad ni Fajardo.

Kaugnay nito, sa isang panayam nitong Huwebes, Nobyembre 14, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tulad ng naunang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi nila pipigilan ang inisyatibo ni Duterte na isuko ang kaniyang sarili sa ICC, at handa raw silang makipag-ugnayan sa Interpol kapag naglabas na ito ng red notice para sa dating pangulo.