BY Norman Araga
TALIWAS sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi raw totoo na nagpaparinig ng rebolusyon ang mga healthcare worker nang isapubliko ang kanilang panawagan kaugnay sa coronavirus pandemic, ayon kay Dr. Antonio Dans, spokesperson ng Healthcare Professions Alliance against COVID-19.
“Emergency ho ito e. Magli-lift na sana tayo this week (ng quarantine),” wika ni Dans sa panayam sa dzMM’s Teleradyo ngayong araw.
Dagdag pa niya na hindi naging madali ang kumuha ng audience kasama ang Pangulo upang maipahayag nang pribado ang kanilang mga hinaing.
“Gaano kadali bang kumuha ng audience with the President? Gano’n lang ba yun? ‘Pag sinabi namin, may audience kaagad? May isang buwan kaming mai-schedule, e ‘di ano nang nangyari nun ‘pag ganon?” tanong ni Dans na may halong pag-aalinlangan.
“Hindi ho kami nagtatawag ng rebolusyon…Sana naman naiintindihan nila ‘yan. Wala naman hong nagtawag ng rebolusyon,” paliwanag pa niya.
Sa kanyang mensahe sa bayan kagabi, nagbabala ang Pangulo sa mga healthcare workers na huwag ipahiya ang gobyerno, matapos nilang isapubliko ang nakalulungkot nilang kalagayan
Sa kanyang mensahe sa bayan kagabi, sinabi ni Duterte na dapat nagsulat na lang ng liham ang mga medical frontliner o kaya’y humingi ng audience sa pambansang gobyerno imbes na sinapubliko ang kanilang mga saloobin.
“Then you threaten a revolution. This is our country. You want us to destroy it? Start it now,” hamon ng pangulo.
Pero sinabi ni Dans na makailang ulit na nilang ipinaalam sa ahensiya ng gobyerno ang kanilang hinaing, pero wala namang nangyayari kaya kinailangan na aniya nilang maghudyat ng alarma.
“Kasi kami ho kausap naman namin lagi ang DOH (Department of Health), ang IATF (Inter-agency Task Force), ilan beses na ho kaming nag-present sa implementation task force. Nakikipagtulungan kami sa Department of Transportation, DILG (Department of Interior and Local Government), DTI (Department of Trade and Industry), NEDA (National Economic and Development Authority). Nasa meeting naman kami lagi at tumutulong naman ho kami lagi naman ho namin itong sinasabi,” wika ni Dans.
“Kaya lang ano ho, e para sa amin masyadong mabagal ang pag-react e lumalala na yung pandemic so we said ‘Let’s ring the alarm signal.’ Kung magri-ring ka ng alarm signal ala nga namang kumatok ka muna at mag-schedule ng audience, hindi ho ganon kadaling mag-audience with the President, di ba?” dagdag pa niya.
Matapos manawagan ng mga medical frontliner na isailalim ang Metro Manila sa mahigpit na lockdown, sinailalim ni Duterte sa modified lockdown ang NCR, Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal mula Agosto 4 hanggang Agosto 18, 2020.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY