Naitala ng Pinoy freediver ang bagong national record sa free dive sa kabila ng limitadong pagsasanay buhat ng Bagyong Kristine.
Nagawa ni Jayson Ramirez ang 85 meters na lalim sa Lawom Pool Center, Mabini, Batangas sa ginanap na AIDA Mabini Depth Quest.
“Despite limited training, I successfully reached a depth of 85 meters, achieving my 7th National Record at the Mabini Depth Quest,” masayang ibinahagi ni Ramirez.
“The journey was challenging, especially with Typhoon Kristine impacting Batangas during my preparation and training. However, we pushed through with resilience and determination. This may have been a challenging competition, but it was one of the best experiences!” dagdag pa nito.
Sabik na rin siyang lumaban sa susunod na taon at nagpapasalamat siya sa kanyang pamilya, kaibigan at sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya.
Samantala, ang LAWOM ay patuloy nagbibigay ng mga bagong oportunidad para sa mga aspiring freediving athletes hindi lamang sa Batangas kundi sa buong Pilipinas.
More Stories
Christian Benedict Paulino, James Ang, unang ginto sa swimming, athletics
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo
DOST 1 DIRECTOR CHAMPION SA GENDER SENSITIVITY AT MAINSTREAMING SA ISPSC