November 22, 2024

Tropical depression maaring pumasok sa PAR bukas

Naging tropical depression na ang low-pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Linggo ng hapon at maaring pumasok sa PAR sa Lunes, Nobyembre 4, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa kanilang 5 p.m. bulletin, sinabi ng state weather bureau na huling namataan ang tropical depression sa 1,314 kilometers sa silangan ng Eastern Visayas.

Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.