Nakapagproseso ang Bureau of Immigration (BI) ng 167,538 pasahero nitong Oktubre 31 at Nobyembre 1.
Nasa 12-porsyento ang itinaas sa international travelers mula sa 149,257 na pasaherong naitala sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.
Noong Oktubre 31, nakapagtala ang BI ng 41,078 arrivals at 43,341 departures sa bansa.
Ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay nakapagtala ng 14,010 arrivals at 15,666 departures, habang ang Terminal 3 ang may mataas na volume na nasa 19,223 arrivals at 20,495 departures.
Nitong Nobyembre 1, ang BI ay nakapagtala ng 42,858 arrivals at 40,261 departures.
Ang NAIA Terminal 1 ay nakapagtala ng 14,931 arrivals at 13,381 departures habang ang Terminal 3 ay nakapagtala ng 19,136 arrivals at 19,431 departures.
More Stories
ICF World Dragon Boat meet…PILIPINAS PINAKAMAGILAS SA PUERTO PRINCESA!
HIRIT SA DOJ: LOOKOUT BULLETIN VS OVP OFFICIALS
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL