PUERTO PRINCESA – Nagpatuloy ang gilas at bangis ng Pilipinas sa day 3 ng tunggalian sa tubigan sa paghakot ng medalya upang makamit ang panibagong milestone tungo sa paglubog ng best record nito sa ICF Dragon Boat World Championships sa gitna ng maalon at mahanging katubigang tanaw dito sa Puerto Princesa Baywalk .
Hindi alintana ng Pinoy bets ang maselang panahon sa hapon upang lagpasan ng isang gold pa ang apat na gintong hakot sa umaga sa kampeonatong suportado ng Philippine Sports Commission, Lacoste watch Tingog party-list kaagapay ang Puerto Princesa government.
Tampok sa kanilang golden haul ang back-to-back na wagi sa 40+ women’s standard boat 500-meter event 2 minuto at 16.32 segundo at sa men’s 40+ open standard boat 500-meter race sa tiyempong 1:59.23 sa dambuhalang karerang inorganisa ng Philippine Canoe Kayak and Dragon Boat Federation.
Ang produktibong araw ng PH standard-bearers ay kumolekta ng nine gold, six silver at six bronze medals, upang burahin ang previous best record ng ating pambatong paddlers na five gold, one silver at two bronzes na naitala noong 2018 edition ng global dragon boat showcase sa Gainesville, Georgia.
“The achievement of our paddlers sa day 2 was certainly overwhelming after what happened to us in the opening day when we did not win a single gold medal,” diin ni PCKDF president Leonora “Len” Escollante, na siyang national coach noong 2018 .
“This historic accomplishment was a total team effort from athletes, coaches the support staff, everyone responsible in making sure that our national paddlers would excel in this tournament,” pag mamalaking dagdag ni Escollante.
“I am now very optimistic we will add more golds to our collection before this tournament is over.” aniya pa kasabay ng todo pasasalamat
sa Puerto Princesa City government sa pamuuno ni Mayor Lucilo Bayron mula preparasyon upang matiyak ang tagumpay ng pang- mundong torneong humatak ng record na 27 bansa at halos 2,000 partisipanteng world class paddlers dito sa mahalinang kabisera ng łalawigan ng Palawan.
“Lahat ng mga training at paghihirap ng ating mga paddlers ay nagbunga. All the sacrifices and hard work was worth it,” ayon kay national coach Duchess Co kaugnay ng bagong ‘all-time best’ ng ating pambatong dragonboat athletes. Nagdagdag naman ng medal haul ang Pinoy paddlers ng 4 na silver upang lalong magningning sa naturang quallifying event para sa World Games -Chengdu, China 2025. (DANNY SIMON)
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM