November 1, 2024

RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON

NAKUHA ni Finance Secretary Ralph Recto ang suporta ni The Right Honourable Lord Mayor of London Alderman Michael Mainelli sa pagsusulong ng layunin ng Pilipinas sa artificial intelligence (AI) and climate finance.

Sa isang high-level meeting noong Oktubre 29, 2024 sa Mansion House sa London, inimbitahan ni Lord Mayor Alderman Mainelli ang Pilipinas na lumahok sa Ethical AI Initiative, isang AI management program na isinagawa ng humigit-kumulang 60 bansa.

Layunin ng inisyatibang ito na itagayuod ang ethical development at paggamit ng AI na makalikha ng human-centered technology na nagbibigay prayoridad sa karapatan, privacy at dignidad.


Bilang karagdagan, nangako ang Lord Mayor ng kanyang suporta sa climate finance goals ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtulong sa pagtataguyod ng sustainability-linked policy performance bonds, isang alternatibo sa ESG financing.

Natalakay din ang pag tuklas sa possibleng kolaborasyon sa sector ng mining defensem security at renewable energy.