October 22, 2024

TALA ESTATE PARA SA TAO, HINDI SA SINDIKATO!

KINONDENA ng mga miyembro ng Tala Estate Settlers Federation ang patuloy na land grabbing sa Tala Estate ng iba’t ibang sindikato kahit may naka-pending pa na kaso sa Korte Suprema.

Ang Tala Estate ay isang property na malapit sa SM Fairview at Robinson Place sa Barangay Putik, Quezon City.

Anila, binabantaan sila ng demolisyon at tinatakot sa kabila ng nakabinbin na kaso sa Supreme Court.