November 22, 2024

87 PATAY SA NORTHERN GAZA AIRSTRIKE

UMABOT sa 87 katao ang nalagas ang buhay sa nangyaring airstrike ng Israeli noong Sabado, Oktubre 20, sa bayan ng Beit Lahiya sa northern Gaza, kung saan 40 ang naitalang sugatan.

Giit naman ng Israeli military na ang mga naitalang nasawi ay kabuuan lang aniya ng mga naitala ngayong buwan na ang 73 na report aniya ng Hamas media ay pawang ‘exaggerated’ dahil ang pangunahing target aniya ng Israel ay ang mga Hamas.

Sinabi naman ng Gaza health ministry na nagpapahirap sa kanilang pag rescue ay ang problema sa komunikasyon at sa banta umano ng puwersa ng Israeli military sa ilang mga lugar.

Nakataas naman ang abiso sa mga taga South ng Gaza, bagamat nangangamba ang mga Palestino na maubos sa patuloy na pagbomba na ginagawa ng Israel.

Bagay na pinasungalingan ng Israel, dahil patuloy umano nilang pino-rpotectahan ang mga civilian at hinihiwalay sa target nilang Hamas group.