November 22, 2024

2 kapitan, 13 iba pa arestado sa ilegal na sabong sa Pampanga

ARESTADO ang dalawang Punong Barangay at 13 pang indibidwal dahil sa ilegal na pagsasabong at paglabag sa quarantine rules sa Brgy Sta. Teresa 1st sa Bayan ng Lubao sa Pampanga

Kinilala ni Police Leiutenant Kernel Micheal John Riego, Lubao police chief, ang mga arestadong Punong Barangay na sina Elmer Malit ng Barangay Sta. Teresa 1st at Benjamin Macaspac ng San Antonio.

Aniya kasamang naaresto ng pulisya ang 13 na iba pa sa nasabing tupada na nakilalang sina Restituto Manalansan, Dante Tayag, Abelardo Dimarucut, Allan Diwa, Alex Diwa, William Diwa, Justino Pangan, Pascual Sarmiento, Dalmacio Manalansan, Darwin Calma, Jesus Macaspac, Alsan Lugtu at Marivic Reyes, pawang mga nasa hustong gulang.

Habang pinaghahanap ang apat nakatakas na sina Marlon Basi, Rommel Lumibao, Robert Sarmiento at Vencer Bagang.

Inihayag ni Riego na ang mga suspek ay hinuli matapos silang maaktuhan na naglalaro ng sabong sa naturang barangay.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang mga ebidensiya tulad ng apat na manok na panabong, apat pang patay na panabong, ilang piraso ng tari at pusta na nagkakahalaga ng P1,660.

Agad namang dinala ang mga suspek at mga piraso ng ebidensiya sa himpilan ng pulisya sa Lubao para sa dokumentasyon at pagsampa ng karampatang kaso.

Ayon naman kay Lubao Mayor Esmelada Pineda, na marapat lamang na harapin ng mga suspek ang resulta ng kanilang pinaggagawa.

Dagdag pa ng alkalde, na ang pamahalaang bayan ng Lubao na hindi makikiaalam sa paglalapat ng katarungan kahit na ang ilan sa mga arestado ay opisyal ng mga barangay.