December 24, 2024

‘HINTAYIN ANG PAGBAGSAK NG PAMILYA DUTERTE” – TRILLANES

NATATANAW na ni dating Senator Antonio Trillanes IV ang pagbagsak ng makapangyarihang angkan ng mga Duterte habang palalim nang palalim ang pagkalkal ng Kamara sa drug war killings.

Sa kanyang latest Facebook post, sinabi ni Trillanes na dapat hintayin at saksihan ng publiko ang pagbagsak ng pamilya Duterte na ayon sa plano ng Diyos.

Sa nakagugulat na testimonya sa House quad committee, ibinunyag ni retired Police Col. Royina Garma na nag-alok si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng pabuya sa mga pulis na nakapatay sa drug suspects sa drug war.

Tinatayang aabot sa P20,000 hanggang P1 milyon ang pabuya sa drug war killings.

“If you have the patience to wait…eventually, you’d see how God’s plan unfolds…The once all-powerful duterte crime family is now crumbling right before our eyes. Congrats to the Quad Comm!” post ni Trillanes.


“Still, there is much to do. We should keep our focus and finish the job,” dagdag pa niya.

Una nang inamin ni Garma,  dating Philippine Charity Sweepstakes Office chief, na kinontak siya ni Duterte upang gayahin ang Davao Model sa kanyang drug war. Ito ay nababalangkas sa tatlong antas, katulad ng “reward for killings, funding operations, at refunding expense.”