HINATULAN ng Sandiganbayan Seventh Division si Evelyn De Leon – dating pangulo ng Philippine Social Development Foundation, Inc. (PSDFI), isa sa bogus na non-government organizations (NGOs) na sangkot sa pork barrel scam – dahil sa panloloko sa gobyerno.
Sa isang 35-pahinang desisyon, na inilathala nitong Oktubre 9, hinatulan ng korte si De Leon ng two counts sa paglabag laban sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at two counts sa melversation of public funds. Mahaharap siya sa 29 hanggang 39 na taon ng pagkakakulong at pinagmumulta ng P3.5 milyon, na sasailalim din sa 6% na taunang interes kapag pinal na ang hatol.
“De Leon knew she was defrauding the government, whether for her own personal benefit or not. She intended to defraud the government with every signature she affixed to divert funds intended for imagined ‘marginalized farmers’ into PSDFI, the NGO which De Leon represented,” saad ng anti-graft court.
Ang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta, na pinaboran nina Associate Justices Zaldy Trespeses at Georgina Hidalgo.
Ito ay kasunod ng naunang paghatol noong Oktubre 2023 kung saan ang tinaguriang pork barrel queen na sina Janet Napoles at De Leon, kasama si Godofredo Roque, ay hinatulan din ng anti-graft court — si Napoles na may tatlong counts ng graft at tatlong counts ng malversation, habang si De Si Leon ay nakakuha ng isang counts para sa bawat isa sa mga krimen.
Si De Leon ang pangulo ng PSDFI, na tumanggap ng P121.61 milyon sa mga senador at kongresista mula 2007 hanggang 2009.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA