IBINIDA ng Department of Finance (DOF) ang Revenue Office at support offices makaraang makuha ang kanilang ikatlong International Organization for Standardization (ISO) certification, na patunay na ang public service ay patuloy na sumusunod sa pamantayang pandaigdig sa quality assurance at business.
“I congratulate our RO and support offices for successfully securing its third ISO certification. This is the kind of quality public service that we at the DOF aim to deliver to the Filipino people. Makakaasa po ang taumbayan na lalo naming pagbubutihin ang aming serbisyo at mas lalo pa po naming ilalapit ang gobyerno sa tao,” masayang sambit ni Finance Secretary Ralph G. Recto.
Ang ISO certification ay nagpapatunay na ang isang management system, manufacturing process, service, o documentation procedure ay natutugunan ang lahat ng global requirments para sa standardization at quality assurance.
Ang sertipikasyon na ito ay iniisyu ng ISO, na isang independent, non-government, international organization na bumubuo ng pamantayan upang matiyak na may kalidad, ligtas at mahusay ang mga produkto, serbisyo at sistema.
Noong Setyembre 27, 2024, muling ginawaran ang DOF’s RO at support offices ng ISO 9001:2015 Quality Management certification para sa kanilang proseso ng pagbibigay ng tax exemptions sa qualified imporatations, na valid hanggang Setyembre 2027.
Unang nasungkit ng mga tanggapan ang kanilang ISO Certification noong 2017 at muling na-certify noong 2021.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA