OPISYAL nang inanunsiyo ni Atty. James Patrick Romero Bondoc o mas kilala bilang Jimmy Bondoc, isang 49-anyos na lawyer-businessman, ang kanyang pagtakbo bilang senador sa ilalim ng PDP-Laban para sa 2025 mid-term elections.
Si Bondoc ay kilalang musician, producer at songwriter sa Philippine music industry, subalit pinursige niya ituloy ang kanyang pangarap na maging isang abogado. Pumasa siya noong 2023 Bar examinations.
Sa ginanap na press conference sa Quezon City nitong Biyernes, Oktubre 4, 2024, ipinaliwanag ni Bondoc ang kanyang desisyon na pasukin ang national political arena, pangunahin na ang pagpapanumbalik ng diplomasya sa lehislatura, upang ibalik ang accountability at public trust sa public officials, at upang kilalanin ang entertainment industry bilang economic force hindi lamang para i-entertain ang mga tao.
Nagsilbi si Jimmy Bondoc sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa iba’t ibang posisyon. Naging miyembro siya ng board of directors, Vice President II ng Corporate Social Responsibility Group at Assistant Vice President ng Entertainment Department ng PAGCOR.
Sa loob ng ilang taon sa PAGCOR, malaki ang natutunan ng 49-anyos na lawyer-businessman sa policy-making at governance decisions.
Sa kanyang panunungkulan bilang Vice President II ng PAGCOR Corporate Social Responsibility, naging malaki ang kanyang papel sa pag-improve ng access sa mga oportunidad para sa deprived o marginalized people at komunidad sa tulong ng revenue ng PAGCOR.
“As a public servant, I’ve seen how government revenues can transform lives when managed responsibly. I want to bring that experience to the Senate and help shape policies that will benefit all Filipinos,” wika ni Bondoc.
Naging committee chairman din siya ng PAGCOR Reportorial Terminologies Review at naging miyembro ng PAGCOR Executive Committee Geneder and Development Focal Point System.
Kabilang sa plataporma ni Bondoc na palakasin ang public health policies tulad ng pagrebisa sa Anti-Hospital Detenction Act policy sa mga private room ng mga hospital.
Ayon kay Bondoc, ang kanyang hangarin para sa Pilipinas ay mabawasan kung hindi man mapuksa ang kahirapan o kagutuman ng mga Filipino, lalo na ng mga bata.
Determinado rin si Bondoc na sugpuin o puksain ang korapsyon sa gobyerno sa pamamagitan ng pag-institutionalize sa anti-graft at corruption laws. “Corruption is the enemy of progress. It erodes the trust between the government and the people. As long as I live, I will fight against those who seek to enrich themselves at the expense of the Filipino people,” pangako niya.
Suportado naman ng kanyang ilang kaibigan tulad ni Vivian Velez, Dennis Padilla, Ara Mina, Dagul, kanyang anak na si Jkhriez Pastrana at iba ang bagito pero maasahang public servant!
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA