PARA sa muli niyang pagtakbo bilang alkalde ng bayan ng Cainta sa darating na 2025 elections, naghain na si former Mayor Kit Nieto ng kanyang certificate of candidacy (COC), nitong Huwebes ng umaga sa Comelec office sa naturang bayan.
Dumagundong ang malakas na hiyawan at tilian ang sumalubong sa akalde mula sa kanyang daan-daang taga-suporta na may bitbit pang mga placards mula sa simbahan patungo sa Comelec, kasama ang asawang si incumbent Mayor Elen Nieto, ka-tandem na si Ace Servillion at mga kaanib na konsehal ng Team Nieto.
Matapos ang paghahain ng kanyang kandidatura, nagpasalamat ang alkalde sa mga taong walang sawang sumusuporta at nagtiwala sa kanya, kasabay ng pangakong mas lalung pag-ibayuhin ang pagsisilbi at tiniyak na wala isa man ang maiiwanan.
Ayon kay Mayor Kit, tuloy-tuloy lang ang gagawin niyang paglilingkod at masugid na pagsisilbe para sa mga taga-Cainta dahil layunin aniya niya ang umahon ang pamumuhay ng lahat ng kanyang mga kababayan sa Cainta.
“Sa dami ng sumama ngayong umaga, ramdam ko ang pananabik natin na magsimula tayong muli. Makakauwi ako sa bahay para sabihin sa aking nanay at tatay na mahal pa ako ng Cainta. Araw na naghuhudyat ng pagbabalik bilang mayor ng bayang ito. At bibitawatan ko pa rin ang isang pangako, tulad ng pangako sa lahat sa nagdaan na aking tinupad, mamamayani kayo sa One Cainta at mamahalin ko kayo ng higit pa sa naranasan ninyo sa nakaraang labing dalawang taon,” ani Kit Nieto.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA